Duterte

Duterte, bigong mapagkaisa ang mga paksyon sa PDP-Laban

National News

Hindi napagkaisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang nagbabanggaang paksyon ng PDP-Laban nang ipatawag niya ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi nagkasunod ang paksyon nina Senador Koko Pimentel at Atty. Rolando Garcia.

Kahit pa si Duterte na ang namagitan sa mga ito.

Ayon kay Secretary Harry Roque, “Ang sabi po ni Presidente mag usap-usap sila, usap-usap lahat, at pagkatapos, I think sa Setyembre magpupulong ulit.

Tapos kung talagang hindi kakayaning magkasundo ay puwede naman pong maghiwa-hiwalay.

Pero ngayon po, ang sabi niya ay mag-usap muna ang lahat ng mga tao na nasa loob ng partido.” 

Dagdag ni Roque na magkakaroon muli ng pagpupulong ang Pangulong Duterte sa dalawang paksyon sa susunod na buwan.

Inihayag ni Roque kung talagang hindi magkakasundo, mauuwi ito sa hiwalayan sa kabila ng mga hakbang na ginawa ng pangulo para magkaayos ang mga ito.

Hulyo nang mapatalsik sina Senador Koko Pimentel ang tumatayong presidente at Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na siyang Secretary General ng partido.

Sa isang pagtitipon ng mga miyembro ng PDP-Laban, itinalaga si Rogelio Garcia bilang presidente at si Willy Talag bilang kapalit ni Alvarez.

Itinalaga namang bilang auditor si Special Assistant to the President Bong Go.

Hindi ito tinanggap ni Pimentel at nagpahayag na hindi opis­yal ang ginawa ng mga kasamahan nito sa partido.

Ulat Ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *