Lakers uniform

Lakers uniform, isinuot na ni Lebron James

Sports

Sa unang pagkakataon, nakita si Lebron James na suot-suot ang ‘gold and purple’ jersey uniform ng LA Lakers.

Ito’y sa kabi-kabilang kontrobersiyang kinakaharap ni 4-time MVP Lebron James matapos nitong lumipat sa LA Lakers.

Una ng lumabas ang Lakers uniform ni James sa naging post nito sa kanyang Instagram story.

Makikita si James na masayang tumatawa na may suot-suot pang dilaw na rubber shoes na ipinares sa kanyang jersey.

Sa naging post ng LA Lakers sa kanilang Twitter account, makikita si Lebron James na nag-eensayong suot muli ang Lakers jersey no. 23.

Lumagda si Lebron James sa LA Lakers ng 4-year contract na may $154-M deal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *