kailangang

NAIA, hindi na kailangang ilipat pa

Metro News

Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na hindi kailangang ilipat sa ibang lugar ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), animnapu’t dalawang porsyento ng mga pinoy ang nagsabing hindi dapat i-relocate ang NAIA.

Dalawampu’t dalawang porsyento naman ng mga Pinoy ang nagrekomendang ilipat ang pangunahing paliparan sa Clark, Pampanga.

Habang inirekomenda ng siyam na porsyento ng mga Pinoy na ilipat ang NAIA sa Cavite.

Anim na porsyento ang nagsabing i-relocate ang paliparan sa Bulacan.

Habang inirekomenda ng isang respondent o katumbas ng point one percent na ilipat ang NAIA sa Baguio City.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *