nagnegatibo

Sen. Trillanes, nagnegatibo sa drug test

National News

Nagnegatibo sa paggamit ng iligal na droga si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ito ay batay sa naging resulta ng isinagawang drug test ng Senado noong nakaraang buwan.

Sa kanyang twitter account, pinost ng senador ang resulta ng test.

Kung saan nakasaad na negatibo siya sa  paggamit ng shabu, cocaine, ecstasy at iba pang uri ng iligal na droga.

Sa kanyang post din ay tinanong nito kung kailan kaya magpapadrugtest ang mga Duterte.

Una nang iginiit ni Trillanes sa kailangang boluntaryong sumailalim ang first family sa drug test.

Upang maging halimbawa sa lahat at mapanindigan ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *