36

Pinay spikers, panalo sa Asian Games matapos ang 36 years

Sports

MATAPOS  ang 36 taon, nakamit na nga ng Philippine team sa unang pagkakataon ang tamis ng unang panalo sa women’s volleyball competition sa nagpapatuloy na Asian Games.

Ito na ang pangatlong subok ng mga Pinay spikers na ungusan ang kanilang mga katunggali.

Sa wakas, naipanalo na nila ang laban kontra team Hong Kong.

Pinangunahan naman nina Alyssa Valdez at Jaja Santiago ang pagdomina sa powerhouse na kanilang kalaban.

Nabuhayan naman ng loob ang women’s volleyball team ng Pilipinas na mangat nasa 4th spot sa pool.

May tsansa pang makapasok ang team sa quarter finals.

Magtatapos naman ang preliminary round ng team Philippines sa darating na Sabado laban sa host na Indonesia.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *