shortlist

Shortlist ng susunod na Chief Justice, napagbotohan na ng JBC

National News

SHORTLIST ng susunod na Chief Justice ng Korte Suprema napagbotohan na ng Judicial Bar Council o JBC.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pasok sa shortlist sina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, at Lucas Bersamin.

Sina De Castro at Peralta ay may anim na boto habang may limang boto naman si Bersamin.

Ang tatlong mahistrado na napasama sa shortlist ng JBC ay kasalukuyan namang nahaharap sa impeachment complaint sa Kamara.

Nagpahayag si Justice Secretary Guevarra na hindi sapat ang reklamong inihain upang diskwalipikahin ang mga mahistrado.

Bago dumating ang Setyembre 19, kinakailangang makapili si Pangulong Duterte ng bagong Chief Justice ng Korte Suprema kapalit ni Maria Lourdes Sereno.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *