bagong chief justice

Malakanyang, ipinagtanggol si de Castro bilang bagong chief justice

National News

Itinanggi ng Malakanyang na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Associate Justice Teresita Leonardo de Castro ang paghirang bilang bagong chief justice ng Korte Suprema.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa pahayag ni Magdalo Party list Rep. Gary Alejano na “pabaon” ito ni Pangulong Duterte sa pagreretiro ni de Castro.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pabuya ang pagtatalaga kay de Castro dahil ito ang senior justice ng Supreme Court.

Nanindigan si Roque na mas deserving si de Castro kumpara sa napatalsik na dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

CJ de Castro, maiksi lang ang termino

Isang araw na lamang na manunungkulan si Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro.

Ito ay dahil malapit na ang mandatory retirement age ni de Castro na pitumpung taong gulang.

Si de Castro ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa puwesto nang napatalsik na si dating chief justice Maria Lourdes Sereno.

Lumalabas na seniority ang naging basehan ng pangulo sa pagpili ng bagong punong mahistrado.

Sa kasaysayan ng bansa, si de Castro ang makapagtatala ng may pinakamaiksing termino bilang punong mahistrado.

Pangalawa naman si dating chief justice Pedro Yap na nakapagsilbi lamang ng pitumpu’t limang araw noong 1988.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *