kingdom leaders

22nd International Kingdom Leaders Convention, pormal nang binuksan sa grandyosong Tribute To The King Ceremony

Kingdom News

Nagsipagdatingan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang libu-libong mga Kingdom leaders, coordinators, ministers at administrators sa the Kingdom of Jesus Christ headquarters sa Davao, Philippines.

Ito ay para sa ika-22nd International Kingdom Leaders Convention.

Para narin sa pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng the Kingdom of Jesus Christ.

Pormal na binuksan ang ika-22nd IKLC sa pamamagitan ng engrandeng Tribute to the King ceremony.

Ito ay isang symbolic na okasyon para sa bansang Kaharian.

Kung saan tangan-tangan ng mga Kingdom citizen ang kanilang pinaka-mahalaga at pinakamataas na alay para sa Hari ng mga Hari, para sa Amang makapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang hinirang na Anak, Pastor Apollo C. Quiboloy.

Isa sa mga highlight ng nasabing okasyon ang paggawad ng hinirang na Anak ng mga pagpapala sa buong bansang Kaharian.

Samantala, isang engrandeng salo-salo naman ang inihanda para sa lahat sa naturang selebrasyon.

Isang espesyal na Thanksgiving and Worship Presentation ang pinangunahan ng Hinirang na Anak na dinaluhan ng mga delegado ng ika-22nd International Kingdom Leaders Convention.

Ilang sandali pa ay nangusap na ang hinirang na Anak ng Diyos, Pastor Apollo at inihatid ang mga preskong manna ng kapahayagan mula sa Amang Makapangyarihan.

Patuloy na sumubaybay para sa pinakahuling kaganapan sa ika-22nd Intl Kingdom Leaders Convention dito lamang sa Sonshine Media Network International.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *