everyday heroes

“Everyday Heroes” ang mga Pilipino-Duterte

National News

Sa pagdiriwang ng araw ng mga bayani, nagpahayag ng pagkilala si Pangulong Duterte sa mga ordinaryong Pilipino.

Tinawag niya itong Everyday Heroes.

Sila ang mga Pilipinong araw-araw nagsasakripisyo para sa kapakanan ng mga pamilya nito at pag-unlad sa komunidad.

Inihayag ito ng pangulo sa kanyang talumpati sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day.

Binigyang pugay din ng pangulo ang mga kababayan nating nag-alay ng kanilang sarili .

Para lamang maipagtanggol ang Pilipinas.

Ayon sa pangulo, dapat din pasalamatan ang mga sundalo dahil sa patuloy na paglaban nito sa banta ng terorismo at mga rebelde mula sa komunistang grupo.

Hindi din umano dapat kalimutan ang mga bayaning pulis na patuloy na lumalaban sa iligal na droga at kriminalid.

Upang panatilihing payapa ang pamayanan.

Sa huli, sinabi ng punong ehekutibo na dapat din ituring na bayani ang mga guro, mga OFWs at mga ordinaryong Pilipino.

Patuloy na itinataguyod ng mga ito ang kanilang pamilya at patuloy na nakikipagsapalaran sa kabila ng mga pagsubok ng buhay.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *