air transportation crisis

Malawakang air transportation crisis, isinisisi sa DOTr

Metro Manila

Isinisisi sa Department of Transportation (DOTR) ang malawakang air transportation crisis.

Kabilang na rito ang pagsadsad ng Xiamen aircraft sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay dahil sa umano’y kapabayaan at kawalan ng aksyon ng DOTR sa iba’t ibang suhestyon na magtalaga ng alternatibong paliparan.

Panukalang gawing alternatibong paliparan ang Danilo Atienza Airbase sa Sangley Point sa Cavite, dapat ay ginawa na ng DOTR.

Ito ay ayon kay Terry Ridon, convenor ng think-tank na Infrawatch,

Gayundin ang pagtatayo ng San Miguel Corp., ng isang dambuhalang paliparan sa Bulakan, Bulacan.

Aniya, Agosto 2016 pa naisinumite kay DOTR Secretary Arthur Tugade ang Sangley proposal na hanggang ngayon ay walang aksyon.

Nauna na ring iminungkahi ni House Transport Committee Chairman Cesar Sarmiento ang Sangley at Clark International Airport bilang mga alternatibong airport sa NAIA.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *