gintong medalya

Pilipinas, nadagdagan ng 2 gintong medalya sa Asian Games

Sports

Karagdanang dalawang gintong medalya ang nasungkit ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay matapos maibulsa ng 17-year old Fil-Japanese na si Yuka Saso ang pangalawang gintong medalya sa women’s golf tournament.

Pinatalsik ni Saso ang kalabang Chinese sa isang dramatic finish para sa “22-under 554 total”.

Naibulsa rin ng Pinay na si Lois Go ang isa pang gintong medalya mula pa rin sa women’s golf team event.

Una nang nasungkit ni weightlifter Hidilyn Diaz ang unang gold medal ng bansa sa Asian Games.

Samantala, nakuha rin ng Pinay golfer na si Bianca Pagdanganan, ang pang-sampung bronze medal para sa Pilipinas sa women’s golf team event.

Sa kasalukuyan ay may tatlong ginto at sampung bronze medal ang Pilipinas.

Nasa ika-labing apat na puwesto na ang Pilipinas sa 2018 Asian Games.

DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *