gilas

Gilas, nagkulang kontra South Korea

Sports

TIKLOP ang Gilas Pilipinas sa kopunan ng South Korea sa kanilang men’s basketball quarterfinals sa 2018 Asian Games, sa iskor na 91-82.

Hindi sumapat ang ginawang 25 point ni Jordan Clarkson at 16 points ni Christian Standhardinger para maipanalo ang laban.

Inako ni Gilas head coach Yeng Guiao ang pagkatalo ng kopunan.

Samantala, naibulsa naman ni Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii ang ika-labindalawang bronze medal ng bansa.

Pinadapa ni Tsukii ang pambato ng Thailand na si Paweena Raksachart sa women’s -50kg, sa iskor na 4-1.

Sa ngayon ay nasa ika-14 na pwesto ang Pilipinas na may 3 gold medals at 12 bronze medals.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *