inihain

Panukalang batas ng 14th month pay, inihain

National News

INIHAIN kamakailan ni Kabayan Partylist ang House Bill 8095.

Layon nitong magkaroon ng 14th month pay ang lahat ng manggagawa ng gobyerno at pribadong sektor.

Sa ilalim ng House Bill 8095, ang lahat ng empleyado ng pamahalaan at pribado ay bibigyan ng 14th month pay.

Ano man ang kanilang status sa trabaho, maging sila man ay regular o permanente, o kaya ay temporary, casual, contractual, co-terminus, o job order.

Ang kasalukuyang regulasyon sa pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado ay siya ring gagamitin sa pagbibigay ng 14th month pay.

Katumbas din ng isang buwang sweldo ng empleyado ang 14th month pay.

Nakasaad sa panukalang batas na ang 13th month pay ay babayaran sa mga empleyado bago May 31 kada taon.

Ito ay para sa paghahanda sa pasukan ng mga estudyante.

Habang ang 14th month pay ay ibibigay bago November 30 ng taon.

Para may gagastusin ang pamilya ng mga empleyado sa pagsalubong sa pasko.

Nakasaad din sa panukala na ang lahat ng pensyonado ng SSS at GSIS ay bibigyan ng 13th at 14th month benefits.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *