panahon

DOTR, sinisi ang panahon sa mabagal na clearing sa NAIA runway

Metro News

SINISISI ni Transport Secretary Art Tugade ang pagsabay ng sama ng panahon sa insidente ng pagsadsad ng Xiamen Aircraft.

Sumadsad ang naturang eroplano sa Runway ng Ninoy Aquino International Airport nitong nakaraang Augusto 21.

Iginiit mismo ng Department of Transportation na wala silang naging pagkukulang sa trabaho.

Kasama ng pagsigurong maalis ang nakahambalang na eroplano ng Xiamen Airlines sa runway ng NAIA sa lalong madaling panahon.

Ang kaso ani Tugade, sinabayan ang kanilang operasyon ng malakas na pag ulan dulot ng sama ng panahon.

Kung kayat natagalan ang pagtanggal ng eroplano na siyang nagdulot ng pagkaantala ng mga biyahe palabas ng bansa.

Iginiit rin ni Tugade na hindi nagkulang ng suporta ang pamunuan ng paliparan partikular na sa pagbibigay ng ayuda gaya ng hotel accommodation at pagkain.

Pero may iilan lang umanong pasahero na hindi tinanggap ang alok dahil sa kagustuhang makaalis sa bansa.

Samantala, muli namang nilinaw ng ahensiya na may pananagutan ang Xiamen aircraft.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *