hybrid

Kamara at DBM, nagkasundo na sa hybrid 2019 budget

National News

NAPAGKASUNDUAN ng dalawang opisyal na hybrid system ang gagamitin sa pambansang pondo o ang pinagsamang cash based at obligation based budgeting system.

Magkakaroon naman ng 3 taon na transition period bago maipatupad ng buo ang cash based budgeting.

Kasama din sa napagkasunduan ang pagbabalik ng kinaltas na alokasyon sa

  • DepEd,
  • DPWH at
  • DoH na gagawin sa pamamagitan ng realignment ng pondo mula sa unprogrammed funds.

Pero ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, magsusumite din ang Palasyo ng supplemental budget.

Para sa mga item na hindi napondohan sa ilalim ng 2019 budget.

Kagaya na lamang ng Bangsamoro Organic Law o BOL at ng plebesito nito pati na ang internal revenue allotment o IRA.

Nasa P140B naman ang supplimental budget na isusumite ng Malakanyang.

Ngayong pinal na ang kasunduan sa Hybrid 2019 budget, sinabi ni Andaya na tiyak na ang approval nito sa October 12, 2018.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *