EDSA

Babaeng nag-“Kiki” challenge sa EDSA pinaghahanap ng MMDA

Metro News

Humingi ng tulong ang MMDA sa NBI para hanapin ang isang babae na nag-viral sa social media matapos mag-“Kiki” challenge sa EDSA.

Ayon kay MMDA Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago, nakilala ang babae na si Micha Anne Gabuten.

Iginiit ni Pialago na mapanganib ang ginawang “Kiki” dance challenge ni Gabuten na nagdulot ng pagbagal ng trapik sa EDSA.

Pagmumultahin ng MMDA si Gabuten ng limandaang piso dahil sa paglabag sa anti-jaywalking.

Karagdagang 500 pesos din sa driver nito para sa reckless driving.

Bukod sa reckless driving ay maaari din patawan ito ng paglabag sa Anti-Distracted Driving kung ang driver ang kumukuha ng video.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *