rape joke

Gabriela, kinundena ang bagong rape joke ni Pangulong Duterte

National News

Mariing kinundena ng grupong Gabriela ang bagong rape joke ng Pangulo Rodrigo Duterte.

Sa naging pahayag ng pangulo, tila sinisi nito sa magagandang babae ang pagtaas ng bilang ng kaso ng rape sa Davao City.

Ayon sa Gabriela, ang naturang pahayag ng pangulo ay lubhang nakakatakot at pangit sa pandinig ng mga kababaihan.

“We strongly condemn this latest flamboyant display of misogyny, which places more Filipino women at risk of rape,” pahayag ng Gabriela.

Hindi naman dapat aniya isisi sa kababaihan ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng panggagahasa.

“President Duterte sends yet again a very dangerous and distorted message in his latest rape remark, that a woman’s beauty is a cause of rape.” 

Hindi naman dapat anila maging pangulo ang taong nagbababa sa dignidad ng isang babae.

“Who finds humor in demeaning women and enabling rapists is not fit to be president,” anila pa.

Sa huli, hinimok ng grupo ang iba pang womens group na kundenahin ang walang humpay na paghamak ng punong ehekutibo sa mga kababaihan.

“We encourage more women to join the #babaeako and #labananangabuso campaigns to vigorously fight back misogyny and abuse openly endorsed by the chief executive.”

Rape joke ni Pangulong Duterte, idinepensa ng Palasyo

Ipinagtanggol ng Palasyo ang bagong rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging pahayag ito ng pangulo sa isang pagtitipon sa Mandaue City.

“Ingon sila nga daghang rape ang Davao. Basta daghang guwapa, daghang rape,” ayon pa kay Pangulong Duterte.

Base sa naging pahayag ng pangulo, mataas ang bilang ng kaso ng rape sa davao city dahil sa magaganda ang mga babae rito.

Sa datos ng Philippine National Police, Davao City ang nangunguna sa pinakamaraming bilang ng kaso ng panggagahasa na may 42.

Naitala ang naturang bilang sa ikalawang quarter ng taon na sinundan ng Quezon City sa 41 at Maynila sa 32.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala itong nakikitang masama at hindi dapat bigyang pansin ang naturang rape joke ng pangulo.

“I don’t think we should give too much weight on what the president says by way of a joke,” ani Roque.

Gayunpaman, tanggap nito ang iba’t ibang reaksyon ng publiko sa naging pahayag ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *