Agriculture Sec. Manny Piñol

Pang. Duterte, may tiwala pa rin kay Piñol

National News

May tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Agriculture Sec. Manny Piñol.

Sa kabila ng mga panawagan ng ilang mga mambabatas na magbitiw na ito sa puwesto dahil sa krisis sa bigas sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hangga’t hindi sinisibak sa puwesto si Piñol ay nananatili pa rin ang buong tiwala rito ng pangulo.

Bukod kay Piñol, pinagbibitiw din ni Buhay Partylist Rep. Lito atienza at si NFA Administrator Jason Aquino.

Mungkahi na gawing ligal ang rice smuggling, pinalagan

Kinondena ni AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang mungkahi ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Dahilan ito sa  panawagan ni Piñol na gawing ligal ang smuggling ng bigas sa Basilan at Zamboanga.

Tinawag ni Garbin na katangahan ang panawagan ni Piñol na gawing ligal ang smuggling ng mga agricultural products.

Sinabi ni Garbin na “economic sabotage” ang gagawin ni Piñol.

Ayon sa kongresista, oras na payagan ang smuggling sa bansa ay mas lalala ang problema ng gobiyerno.

Dahil aniya magiging bukas ito sa iligal na pagpasok ng mas marami pang produkto.

Kasabay nito, hiniling ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang pagbibitiw sa puwesto ni Piñol at ni NFA Administrator Jason Aquino.

Binukbok na bigas, ligtas kainin – DOH

Ligtas pa ring kainin ang mga binukbok na bigas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat lamang ay hugasan at lutuing mabuti ang mga binukbok na bigas.

Hindi rin aniya makaaapekto sa kalusugan ng tao ang ginawang fumigation ng National Food Authority (NFA) sa mga binukbok na bigas.

Dahil aniya, ang kemikal na ginamit sa pagpatay ng bukbok ay sinuri ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).

Una nang sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na handa siyang kumain ng binukbok na bigas para patunayang ligtas ito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *