Ladon

Rogen Ladon aabante na sa final round ng men’s flyweight division

Sports

Aabante na sa final round ng Men’s Flyweight Division sa nagpapatuloy na Asian Games 2018 ang Pinoy boxer na si Rogen Ladon.

Ito ay makaraang talunin ni Ladon ang katunggaling si Yuttapong Thongdee ng Thailand sa semifinal round via unaninous decision.

Dahil dito, tiyak na ang gold o silver medal para sa Pilipinas.

Makakaharap naman ni Rogen Ladon sa gold match si Jasurbek Latipov ng Uzbekistan bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *