Sunog

Sunog sa isang warehouse sa Quezon City, kontrolado na

Metro News

Kontrolado na ngayon ng Bureau of Fire and protection ang sunog sa Mauban St. sa Barangay San Jose, Quezon City.

Mag-aalas-2 ngayong hapon ng ideklarang undercontrol ang sunog sa isang warehouse.

Ayon sa BFP, malabo ng sumiklab pang muli ang apoy sa naturang warehouse bagama’t hindi pa ito idnedeklarang fireout.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente habang patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *