Kingdom of Jesus Christ

Kingdom of Jesus Christ nagdiwang ng Ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag

Kingdom News

MASAYANG ipinagdiwang ng The Kingdom of Jesus Christ ang Ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Nagtipon-tipon ang mga Kingdom Citizens sa Kingdome Construction Site para sa isang espesyal na seremonya na pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ng The Kingdom of Jesus Christ.

Isa ng candle lighting ceremony ang ginawa ng mga Kingdom citizens.

Bilang pagpapasalamat sa mga pagpapalang ibinuhos ng Amang makapangyarihan sa Bansang Kaharian nito sa lupa sa loob lamang ng 33 taon.

Ito ay tanda na rin ng kanilang dedikasyon sa pagsusunod sa Kalooban ng Amang Makapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang Hinirang na Anak, Pastor Apollo.

Samantala, isang engrandeng salo-salo rin ang inihanda para sa espesyal na okasyon.

Tunay ngang hindi na mabilang ang mga pagpapalang ibinuhos ng makapangyarihang Ama sa kanyang Bansang Kaharian sa pamamagitan ng kanyang Hinirang na Anak, Pastor Apollo C. Quiboloy.

At gaya nga ng sinabi ng butihing Pastor, mas lalo pang bubuhos ang pagpapala ng Ama sa kanyang Kaharian dito sa lupa sa mga darating na mga taon.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *