Pang. Duterte, nasa Israel para sa official visit

National News

NASA Israel na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang apat na araw na official visit doon.

Lumapag ang eroplano sa Ben Gurion International Airport kung saan lulan ang pangulo kasama ang buong delegasyon.

Sinalubong si Pangulong Duterte nina Israel Communications Minister Ayoob Kara, Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial.

Kabilang sa sumalubong ang bagong Israel Ambassador to the Philippines na si Rafael Harpaz.

Inaasahang lalagdaan sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel hanggang sa Setyembre 5 ang Bilateral Labor Agreement.

Ang naturang kasunduan ay para sa mga caregivers at science and technology.

Ito ang unang pagkakataon na makapunta ang Presidente ng Pilipinas sa Israel mula ng maitatag ang diplomatic ties ng dalawang bansa noong 1957.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na ang kaniyang pagbisita sa Israel ay magpapalakas sa foreign policy at relasyon Pilipinas sa nasabing bansa.

Nakatakdang ring makipagkita si Pangulong Duterte sa may 1,400 na overseas Filipino workers sa Israel.

Bibisita din si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Jordan.

Mula Setyembre 5 hanggang Setyembre 8 tatagal ang pangulo sa Jordan.

May kaugnayan din sa kapakanan ng mga domestic helpers ang lalagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng Pilipinas at Jordan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas na tutungo ang Presidente ng Pilipinas sa bansang Jordan.

Samantala si Justice Secretary Menardo Guevarra ang tatayong officer-in-charge habang nasa Israel at Jordan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Israel, may pinakamagandang OFW labor conditions

MAY pinakamagandang labor conditions ang mga Overseas Filipino Wokers sa Israel.

Ito ang ipinagmalaki ni Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial, kasunod ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel.

Sinabi ni Imperial na sa buong Middle East, ang mga OFW sa Israel ang tumatanggap ng pinakamataas na minimum wage at mayroon pang day-off.

Ayon pa kay Imperial, maituturing umanong “special place” para sa mga Filipino Christians.

Dahil binigyan ang mga ito ng karapatan para magsamba at mag-practice ng pananampalataya.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *