lindol sa Hokkaido, Japan

Malakanyang, nagpaabot ng dasal sa mga apektado ng lindol sa Hokkaido, Japan

National News

NAGPAABOT ng dasal ang Malacañang sa mga naapektuhan ng Magnitude 6.7 na lindol sa Hokkaido, Japan.

Kasabay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kumikilos na ang gobyerno.

Ito ay upang matiyak na ligtas ang mga Pinoy sa nasabing lugar.

Ayon kay Roque, patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Japan.

At minomonitor din ng ahensya ang kalagayan ng mga Pinoy doon.

Tiniyak naman ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo na handa sila anumang oras na magbigay ng tulong sa mga apektadong Pinoy sa Hokkaido.

Tinayang nasa 1,800 Pinoy ang nasa isla.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *