medical certificate

Duterte, nanindigan sa pagpapawalang saysay sa amnesty

National News

NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapawalang saysay sa amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nilabag ni Trillanes ang mga proseso sa pagkuha ng amnestiya.

Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kaniyang national address matapos ibasura ng Supreme Court ang petisyon ni Trillanes.

Sa petisyon ni Trillanes, humihiling ito ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa Proclamation 572.

Binigyang diin ng pangulo na mali si dating Defense Sec. Voltaire Gazmin sa paglagda at pag-apruba sa amnesty ni Trillanes.

Nagkamali rin si Gazmin sa paglagda at pag-apruba ng amnestiya ng ibang sundalo na sangkot sa Oakwood mutiny.

Nilinaw ng pangulo na nakasaad sa Saligang Batas na ang chief executive ang may kapangyarihan sa paggawad ng amnestiya.

At hindi ito maaaring i-delegate sa ibang opisyal ng pamahalaan.

Paliwanag ni Duterte, na kahit may pag-amin ng kasalanan si Trillanes at nag-aplay ng amnesty ay wala itong saysay.

Dahil ayon sa pangulo maling opisyal ang lumagda sa naturang dokumento.

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *