hindi muna uuwi sa kanilang bahay

Sen. Trillanes, hindi muna uuwi sa kanilang bahay

National News

HINDI muna uuwi sa kanilang bahay si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ang desisyon ngayon ni Trillanes na taliwas sa kaniyang unang naging pasiya.

Unang nagpasya ang senador na umuwi na matapos ang isang linggong pananatili sa loob ng Senado.

Sinabi ni Trillanes na pinayuhan siya ng ilang senador na manatili na lamang muna sa kustodiya ng Senado.

Ayon ni Trillanes, nananatili pa rin ang desisyon ng militar na arestuhin siya.

Matapos na ibasura ng Korte Suprema ang kaniyang hiling na Temporary Restraining Order laban sa Proclamation No. 572 na bumabawi sa kaniyang amnesty.

Habang nanindigan umano ang PNP na aarestuhin lamang ang senador kapag naglabas na ng warrant of arrest ang korte.

Iginiit ng senador na isang patibong ang sinasabi ni Duterte na hindi siya aarestuhin at igagalang ang rule of law.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *