Proclamation No. 572

Senate minority bloc, pinapaimbestigahan ang Proclamation No. 572

National News

NAGHAIN ang Senate minority bloc ng isang resolusyon para imbestigahan ang Proclamation No. 572.

Ang naturang proklamasyon ay nagpapawalang-bisa sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 887 hiniling ng iilang senador na imbestigahan ng kaukulang komite ang naturang proklamasyon.

Pirmado ang resolusyon nina Senators Franklin Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Leila de Lima.

Nanindigan ang mga ito na walang basehan ang naturang  kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.  

Tinawag din ng opposition senators na “fraudulent” at “erroneous” ang pagbawi sa amnestiya ni Trillanes.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *