ompong

Bagyong Ompong, bahagyang bumagal habang papalapit sa kalupaan ng bansa

National News

Bahagyang bumagal ang bagyong Ompong habang papalapit ito sa kalupaan ng bansa.

Sa huling weather bulletin ng PAGASA, kumikilos ngayon ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour.

Taglay naman nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kph mula sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kph

Huli naman itong namataan sa layong 725 km east of Virac, Catanduanes

Sa ngayon, patuloy na inaabisuhan ng PAGASA ang publiko partikular na sa mga nasa tabing-dagat na maging alerto sa posibleng storm surge at ang mga nasa landslide prone areas.

Patuloy rin aniyang tumutok sa balita kaugnay sa bagyong Ompong.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *