daniel matsunaga

Honorary Doctorate ni Daniel Matsunaga, hindi kinilala ng CHED

Showbiz

IBINAHAGI ng aktor na si Daniel Matsunaga sa kaniyang Instagram ang kanyang natanggap na Honorary Doctorate Degree in Humanities major in Social Work.

Mula ito sa kaniyang paaralan sa Brethren Evangelical School of Theology sa Gapan, Nueva Ecija.

Nagpasalamat si Daniel sa Diyos dahil sa kanyang natanggap na award.

Pati na rin sa mga executives na nagtiwala at naggawad sa kanya ng malaking achievement.

Samantala, nilinaw naman ng Commission on Higher Education o CHED na ang nasabing paaralan ay hindi otorisadong magbigay ng honorary degree at ng award.

Dahil dito, sinabi ni Officer in Charge and Spokesperson Prospero de Vera na hindi marerecognized ang honorary degree ng aktor.

Ayon kay De Vera, hindi nag-apply ang nasabing para sa authority na mag-operate dito sa Pilipinas.

Dagdag pa nito, ang sinuman na tatanggap ng anuman na Honorary Doctorate Degree mula sa nasabing evangelical school ay hindi kikilalanin ng CHED.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *