makati rtc

Makati RTC, hindi naglabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes

National News

Wala pa ring inilabas ngayong araw na warrant of arrest at hold departure order ang c laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng isinagawang pagdinig ng korte sa inihaing mosyon ng Department of Justice na humihiling na maglabas ng warrant of arrest at hdo laban sa senador.

Alinsunod na rin sa inilabas na proclamation order no. 572 ni Pangulong Duterte.

Umapela ang kampo ng senador sa hukuman na bigyan sila ng sapat pang panahon para sa rejoinder at dagdag na komento sa mosyon ng DOJ.

May limang araw naman ang ibinigay ng korte sa DOJ matapos ang paghahain ng kampo ni Trillanes ng komento kaugnay sa mosyon nito.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *