Actress Agot Isidro, inalmahan ang isang basher

Showbiz

SINAGOT ng actress-singer na si Agot Isidro ang pagkalat ng isang fake Tweet ng isang netizen na di umano ay galing sa kanya.

Sinabi ng netizen na ayon kay Agot noong Agosto 31, “Sa mahal ng bilihin konti na lang ang isang kilong bigas.’’

Komento ng basher na pag si Agot ang nanalo bilang isang senador ay malamang dadami ang laman ng isang kilo ng bigas.

Nang makarating ito kay Agot ay kanyang sinabi na isa itong fake news at huwag masyadong magpaniwala sa mga nababasa

“Kuya, wag masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa. na- #fakenews ka, kuya,” ani Agot.

Si Agot ay isa sa mga pinagpipiliang personalidad ng Partido Liberal o LP.

Para tumakbo sa 2019 midterm elections sa ilalim ng kanilang partido.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *