Cagayan, nagpatupad na rin ng preemptive evacuation

Regional

PATULOY ang pagpapatupad ng preemptive evacuation ng lokal na pamahalaan ng Cagayan.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, kabilang sa mga inilikas ay ang mga residente sa labintatlong coastal barangays sa Buguey.

Kabilang din ang labindalawang coastal barangays sa Calayan at dalawang coastal barangays sa Gonzaga.

Ilan sa mga ito ay nanatili sa mga evacuation center, mga kamag-anak o kakilala.

Nakahanda na ang kanilang relief goods at naipakalat na rin ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Kabilang din sa ideploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Ipinatupad na rin ang liquor ban sa buong suspendido na ang klase sa lalawigan habang iiral simula bukas ang liquor ban.

Samantala, nanawagan si Mamba sa national government na maglaan ng air assets para marespondehan ang kanilang mga kababayan na nakatira sa isla.

DZAR 1026 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *