bagyong ompong

Mahigit 500,000 indibidwal, apektado ng Bagyong Ompong

National News

WALA pang inilalabas ang NDRRMC na opisyal na bilang ng mga casualty sa pananalasa ng Bagyong Ompong sa bansa.

Ayon sa konseho, patuloy ang kanilang pagkumpirma sa kabuong bilang ng mga nasawi at nasugatan sa paghagupit ng bagyo.

Samantala ayon sa NDRRMC, nasa mahigit kalahating milyong indibidwal.

Halos 130 libong pamilya ang naapektuhan ng pananalalasa ng Bagyong Ompong.

Kabilang sa mga naapektuhan ay nakatira sa NCR, Region 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa at CAR.

Sa naturang nabanggit na bilang nasa halos 2 daang libong indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa halos 2 libong mga evacuation centers.

Ayon ito sa pinakahuling datus na hawak ng NDRRMC.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *