Guimaras-Iloilo-Negros Occidental Bridge Project

Pangmatagalang tulong para sa mga magsasaka panawagan ni Sen. Poe

National News

NANANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa gobyerno na bigyan ng pangmatagalang tulong ang mga magsasaka.

Ang mga naturang magsasaka ay naapektuhan ng Bagyong Ompong partikular na sa mga magsasaka sa Northern Luzon.

Sang-ayon si Poe sa pamamahagi ng relief goods ng gobyerno sa mga magsasaka na naapektuhan ng hagupit ni Ompong.

Subalit naniniwala ang senadora na pansamantalang solusyon lamang ito.

Mungkahi ni Poe dapat magkaroon din ng pangmatagalang tulong ang pamahalaan ang mga magsasaka.

Bukod sa pagkain na natanggap ng mga ito ng isang linggo matapos ang hagupit ni Ompong.

Aniya dapat na bigyan ng mga binhi ang mga magsasaka ng gobyerno para magamit sa pagtatanim matapos masira ang kanilang mga pananim.

Paliwanag ni Poe dapat na pagtuunan ng pansin at kahalagahan ang mga local farmers.

Upang makapagbigay ng sapat na suplay ng bigas at gulay sa ating mamamayan.

Dagdag pa ni Poe dapat na ipatupad din ang discounted gasoline para sa kanilang traktora.

Maging ang mabilis na bayad ng crop insurance at extension ng payment ng loans na walang interest.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *