dragon boat

PH paddlers, may 2 na gold medal sa 2018 Int’l Canoe Federation World Dragon Boat Championship 

Sports

NAKAPAGTALA na ng 4 na gintong medalya, 2 silver, at 3 bronze medal ang Philippine Dragon Boat ng Pilipinas.

Pagkaraang makasungkit ang 2 pang pagkapanalo sa nagpapatuloy na 2018 International Canoe Federation World Dragon Boat Championship sa Gainesville, Georgia.

Nanguna ang Philippine Paddlers sa 10-seater at 20-seater senior mixed 200-meter races para ibulsa ang gintong medalya

Tumulong naman para matapos ang 10-seater event sa loob lamang ng 50.46 seconds sina Pinoy paddler Hermie Macaranas at Mark Jhon Frias.

Pumangalawa lang sa kanila ang Team France na nagtapos sa 53.056 seconds.

Habang sinundan ito ng Team Hungary na may 53.158 seconds.

Tinapos naman ng Pinoy Dragon Paddlers ang 20-seater event sa loob lamang ng 43.481 seconds.

Habang my 46.082 seconds ang Czech Republic at nagtapos sa 46.146 seconds naman ang Team United States.

Nagpa-abot naman agad ng pagbati ang Go for Gold Chief, Jeremy Go sa naging improvement ng mga Dragon Boat athlete ng Pilipinas.

Kumpara sa nakaraang world championship, naging mas matagumpay ang koponan ngayong taon.

“Congratulations to our Dragon Boat athletes for improving on their medal tally from their last world championship,” ani Go.

“Despite all the struggle and adversity, our team has come out on top and continues to impress,”dagdag pa niya.

Dagdag ni Go, na sa kabila ng mga pagsubol ay nakuhang mamayagpag at magpakitang gilas ng mga Pinoy paddlers.

Samantala, may pagkakataon pang makasungkit ng isa pang gintong medalya ang Philippine Dragon Boat ng pilipinas sa 10-seater senior men’s 200M sa darating na linggo.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *