pinsala

Pinsala ng bagyo sa mga electrical utilities nasa mahigit P100M

Regional

UMABOT sa P105.4M ang halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng ibat ibang electrical distribution utilities sa mga lugar na apektado sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Sa datus ng National Electrification Administration o NEA, nagtamo ng malaking pinsala ang Cagayan Electric Cooperative 2.

Nagtamo ang naturang pasilidad ng P25M halaga ng pinsala.

Sinundan ito ng Abra Electric Cooperative na nagtamo ng P20M halaga ng pinsala.

Nasa P13M naman ang pinsala ng bagyo sa Ilocos Norte Electric Cooperative.

Habang P12M naman ang halaga ng danyos sa Isabela Electric Cooperative 2.

Batay sa huling ng tala ng NEA Command Center, nasa 100 bayan at syudad ang naibalik na sa normal ang suplay ng kuryente.

Kabilang ang mga lalawigan ng:

  • Ilocos Norte,
  • Isabela,
  • La Union,
  • Pangasinan,
  • Cagayan,
  • Batanes,
  • Nueva Vizcaya,
  • Quirino.
  • Benguet,
  • Mt Province,
  • Abra,
  • Kalinga,
  • Aurora,
  • Nueva Ecija,
  • Zambales,
  • Batangas at
  • Laguna.

Nasa 80 bayan naman sa nabanggit na mga lalawigan ang partially restored habang nasa 137 bayan at syudad ang wala pang suplay ng kuryente.

 DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *