scale mining

DENR, ipatitigil na ang small scale mining sa CAR

Regional

IPINATITIGIL na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang operasyon ng lahat ng small scale mining sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Kasunod ito ng naganap na pagguho ng lupa sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet sa kasagsagan ng Bagyong Ompong.

Sinabi ni Cimatu na iniutos na niya ang pagpapalabas ng cease and desist order.

Epektibo rin ngayong araw, ni-revoke ni Cimatu ang mga temporary permit na ibinigay sa sampung small scale miners.

Ang mga naturang small scale miners ay legal na nag-ooperate sa rehiyon.

Sinabi ni Cimatu na magpapadala sila ng mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Idedeploy ang mga ito sa mga lugar kung saan mayroong nagaganap na small scale mining.

Lalung-lalo na sa Itogo para matiyak na maipatutupad ang kautusan.

Samantala, umabot na sa higit 34 ang nasawi sa landslide sa bayan ng Itogon.

Habang nasa 40-50 minero pa ang nawawala at patuloy na hinahanap sa ngayon.

Sinisi naman ni Itogon Mayor Victorio Palangdan sa mga minero at kanilang pamilya sa Barangay Ucab sa Bayan ng Itogon.

Dahil sa tumangging magpalikas ang mga ito kung kaya tumaas ang bilang ng mga casualty.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *