pangasinan

Pangasinan, lubog pa rin sa baha dahil sa Bagyong Ompong

Regional

BAGAMA’T tapos na ang bagyo ay di pa rin humuhupa ang pagbaha sa ilang bahagi ng Pangasinan dahil pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ilan sa mga apektadong lugar ang Calasiao at Santa Barbara na lubog pa rin sa baha.

Dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan kagabi dahilan upang tumaas ang antas ng tubig sa ilang barangay.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office, nagsisilbing catch basin ang Calasiao.

Dahil dito napupunta ang tubig mula sa ibang munisipilidad.

Maliban dito, hanggang tuhod na ang baha sa town proper habang mahigit anim na talampakan ang tubig sa mga mabababang lugar.

Samantala, nasa critical level naman ang ilog mula sa Sinucalan at Marusay.

Nagdulot rin ng pagbaha sa ilang barangay ang pinakawalang tubig sa San Roque Dam noong weekend.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *