Peace and order

Peace and order sa North Luzon, sisiguraduhin ng PNP

Regional

TUTUKAN na ngayon ng Philippine National Police ang pagpapanatili sa peace and order sa Northern Luzon na lubos na sinalanta ng bagyo.

Ilang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong.

Kabilang aniya dito ang pagsiguro na walang mangyayaring kakulangan o agawan sa suplay ng mga bilihin.

Pang-aabuso sa presyo nito, illegal trade o anumang gawain na makakaperwisyo sa mga mamimili.

Tutukan din ng PNP sa pamimigay ng relief goods at rehab operations sa mga pribado at pampublikong serbisyo na pansamantalang naantala ng bagyo.

Kasabay nito ay nagdeploy na rin aniya sila ng karagdagang pwersa mula sa PNP-Special Action Force.

Layunin nitong tumulong sa mga biktima ng landslide sa Itogon Benguet.

Base naman sa datos ng PNP, umabot na sa 65 ang nasawi, 64 ang sugatan habang 43 ang naiulat na nawawala sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *