Ikatlong telecommunication company di na kailangan sa bansa – FICTAP

National News

NANINIWALA ang isang grupo ng mga cable operator na hindi na kailangan pa ng ikatlong telecommunication company mula sa pribadong sector.

Para mapamura o mapabilis ang internet connection sa bansa.

Kung kukuha pa ng 3rd private Telco posibleng aabutin pa ng ilang dekada bago pa makonekta nito ang linya ng internet sa buong bansa.

Ayon ito kay Neng Juliano-Tamano, presidente ng Federation of International Cable TV and Telecommunications Association of the Philippines o FICTAP.

Inihalimbawa nito ang dalawang malalaking telcos na inabot ng mahigit dalawang dekada bago nila naabot ang kasalukuyan nilang naabot ngayon.

Suhestyon ni Tamano, maaari namang maging 3rd telco player ang gobyerno dahil may congressional franchise naman ito.

Mula dito, ang kanilang grupo ay maaaring bumili ng bandwidth ng internet.

Hindi na anya mahirap sa kanila ang pagkonekta sa buong bansa.

Dahil kasalukuyan ng nakalatag ang kanilang mga kable na nakakalat na sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Mula dito ay tinitiyak ng grupo na magiging sulit ang binabayad ng mga consumer.

Dahil kaya nilang gawaing limang beses na mas mabilis kaysa sa kasalukuyang internet speed.

 

Ulat ni:  Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *