manila de bay

Pagpapasara ng Manila de Bay para sa rehabilitasyon, pag-aaralan ng DENR

Metro News

PABOR ang Department of Environment and Natural Resources na linisin ang Manila de Bay sa lalong madaling panahon.

Ang naturang aksyon ay inimungkahi ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza.

Pero paglilinaw ni DENR-NCR Jun Almira, hindi sa paraang isara ng tuluyan ang buong Manila Bay.

Bagamat nagawa na ito sa isla ng Boracay, ay nangangailangan pa ani Almira ng masusing pag-aaral sa proposisyon ni Atienza.

Mismong ang kagawaran na rin ang nagsabi na paulit-ulit nilang ang problema ng basura sa mga kailugan at baybayin lalo na sa Manila de Bay.

Sa kasamaang palad, patuloy din ang pagmamatigas ng mga tao sa hindi pagsunod sa batas.

Umaasa ang DENR-NCR na maisaayos ang panukala sa Kamara na maibalik ang ganda ng Manila de Bay.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *