muling

U.S. at North Korea, muling magpupulong

International News

HANDA na muling makipag-usap ang Estados Unidos sa North Korea.

Matapos mangako ang Pyongyang na ipapasara ang mga pangunahing missile facilities nito sa kanilang bansa.

Inimbitahan ni US Secretary of State Mike Pompeo si North Korean Foreign Minister Ri Yong Hoo.

Para muling pag-usapan ang denuclearization ng NoKor sa New York.

Tatalakayin ang nasabing paksa sa taunang U.N. General Assembly ng mga world leaders sa susunod na linggo.

Hangad na matapos ang denuclearization sa taong 2021.

Matatandaang isang malaking banta para sa South Korea, Japan at U.S. ang mga missiles ng North Korea.

Payag si Kim na masaksihan ng ilang eksperto galing pa sa “concerned countries” ang pagsasara ng missile engine testing site.

Ayon ito kay South Korean President Moon Jae-In at maging ang launch pad nito sa Dongchang-Ri.

Payag din ang NoKor president na ipasara ang nuclear complex sa Yongbyon.

Sakaling maganda ang resulta ng pakikipag-usap nito sa Estados Unidos.

Samantala, maliban sa New York ay nais rin ni Pompeo na imbitahin ang mga kinatawan ng Pyongyang sa Vienna para pag-usapan ang isyu.

 

Ulat ni: Trish Molina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *