tanzania

86 katao, patay sa pagbaliktad ng ferry sa lawa ng Tanzania

International News

UMABOT na sa 86 ang nasawi matapos bumaliktad ang isang ferry sa Lake Victoria ng Tanzania, Africa.

Ayon sa mga opisyal nasa mahigit 400 pasahero ang lulan ng MV Nyerere.

Umabot na sa isandaan ang na-rescue habang tatlumpu’t dalawa dito ay nasa kritikal na kalagayan.

Hindi pa matukoy sa ngayon ang eksaktong bilang ng mga pasahero sapagkat nawawala ang machine na may hawak ng rekord.

Tinatayang bumaliktad ang overloaded na ferry ng magkumpulan sa isang bahagi ng barko ang mga tao habang padaong na ito sa pier.

Kalimitan na umano ang ganitong aksidente sa Tanzania dahil sa isyu ng overcrowding sa mga ferry nito.

Patuloy pa rin ang search and rescue operation ngayong Biyernes.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *