isinailalim

Mt. Province, isinailalim na sa state of calamity

Regional

ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Mountain Province matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong.

Naitala sa lalawigan ang malaking pinsala sa mga pananim, imprastraktura at iba’t-ibang road networks.

Ayon ito sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa tala ng PDRRMC, anim ang nasawi habang tatlo ang nasugatan sa kasagsagan ng Bagyong Ompong.

Sa ngayon ay hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang Baguio-Bontoc road.

Ang naturang daan ay pangunahing kalsada patungo sa lalawigan at ibang bayan ng Cordillera.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *