Third Telco bidding sa bansa, isasagawa sa Nobyembre

Business National News

ISASAGAWA sa Nobyembre ang bidding para sa ikatlong mobile player sa bansa.

Kasunod ito ng inilabas na pinal na mga patakaran o Terms of Reference (TOR) para sa bagong major telco ng Administrasyong Duterte.

Sa pamamagitan ng pagsisikap ng Department of Information and Communications Technology (DITC) at National Telecommunications Commission (NTC).

Isa rin ito sa pangunahing hakbang para makamit ang target ng pamahalaan.

Target ng pamahalaan na mapangalanan ang bagong major telco player bago matapos ang taong 2018.

Kabilang sa final T.O.R ang serye ng modifications mula sa pinakahuling draft at ang mabilis na internet speed at services.

Una nang sinabi ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba magiging epektibo na ang mga patakaran sa Oktubre 6.

At sa petsang ito ay maaari nang mabili ng tig-isang milyong piso ang bawat bid document.

Itatakda aniya sa Nobyembre 5 ang bid submission date.

At may isang buwan pa ang mga grupo o kumpanya na paghandaan ang kanilang offers.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *