Pag-aangkat ng bigas, agarang ipinag-utos

National News

AGAD na nag-utos ang Kagawaran ng Pagsasaka ng pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Ito ay dahil sa malaking pinsalang idinulot ng nagdaang Bagyong Ompong sa sektor ng agrikultura ng bansa.

Nauna nang naglaan ng 250K metric tons na bigas ang bansa para ngayong taon.

Pero dahil sa nangyaring bagyo, nagdagdag ang ahensiya ng 500K metrikong toneladang bigas.

Inaasahan itong darating bago magtapos ang kasalukuyang taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, wala pang tiyak kung saan kukunin ang nasabing bigas at sa papaanong paraan ito aangkatin.

Nagbabala naman ang kalihim sa mga rice hoarders na kung hindi nito ilalabas ang kanilang stock ay maaaring maapektuhan ang mga ito dahil sa laki ng volume na darating sa bansa.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *