langis

Pagtaas ng inflation rate, isinisi ni Duterte sa langis

National News

ISINISISI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng presyo ng langis ang pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Ayon sa pangulo, ang pagsirit ng presyong langis ang nagtutulak sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Noong nakaraang linggo ay pumalo sa P57 ang kada litro ng premium mula sa dating P43.

Matatandaan na noong Agosto ay tumaas sa 6.4 percent ang inflation sa bansa.

Kung saan nalagpasan nito ang 5.9 percent na inaasahan ng Department of Finance.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *