NAGA

Bahagi ng Naga, hindi idineklarang landslide prone area

Regional

HINDI kailanman idineklara ng mga eksperto na landslide prone area ang Naga City sa Cebu.

Sa kabila ng ininspeksyon ito ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) noong nakaraang linggo.

Ayon kay Naga City Mayor Kristine Vanessa Chiong, ininspeksyon ng MGB Region 7 ang quarrying site ayon sa kanyang hiniling matapos ang ilang naiulat na may cracks sa isang tenement.

Sinabi ni Chiong na nag-isyu rin sila ng clearance kung saan maaring ituloy ang quarry activities dahil maayos naman ang lugar.

Nilinaw ng alkalde na sa kasaysayan ng Naga City, wala pang naitalang landslides sa lugar.

At ang nangyaring pagguho ng lupa sa Sitio Sindulan sa Barangay Tinaan noong nakaraang linggo ay unang beses pa lamang.

Una nang sinibak ni Environment Secretary Roy Cimatu ang matataas na opisyal ng MGB Region 7.

Pansamantalang ipinatigil muna ang lahat ng quarrying activities sa walong rehiyon kasunod ng landslides.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *