kontaminado

Inuming tubig sa 5 evacuation center sa Naga, kontaminado

Regional

KONTAMINADO ang pinagkukunang inuming tubig sa limang evacuation center sa Naga City, Cebu.

Positibo sa fecal coliform ang tubig sa limang evacuation center na hindi ligtas inumin ng tao.

Ayon ito sa pagsusuri ng Department of Health (DOH).

Nagmula ang kontaminadong tubig sa water dispenser, deep well at faucet.

Nabatid ng DOH Region 7 na ilan sa mga water dispenser sa evacuation center ay nakalagay malapit sa basurahan at palikuran.

Sa tala ng ahensya, nasa labing isang evacuees ang nakararanas ng diarrhea.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *