Makati RTC 150, pinaburan ang mosyon laban kay Trillanes

National News

PINABURAN ng Makati City Regional Trial Court Branch 150 ang inihaing mosyon ng Department of Justice laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Kaugnay ito sa kahilingan ng DOJ na magpalabas ng warrant of arrest at Hold Departure Order ang korte laban sa senador.

Matapos ang pagpapawalang-bisa sa amnestiya nito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa dalawang pahinang desisyon ng korte, pinagbigyan ni Judge Elmo Alameda ang mosyon ng DOJ.

Pinayagan naman ng korte si Trillanes na makapaglagak ng piyansa na aabot sa P200, 000.

Kaugnay sa kaso nitong rebelyon kasunod ng Manila Peninsula seige.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *