Chinese national

Chinese national na naakusahang foreign spy, arestado ng FBI

National News

ISANG Chinese national ang inaresto ng FBI sa Chicago.

Ito ay matapos maakusahang “Beijing Spy” para sa isang intelligence agency sa China.

Ang 27-year old na si Ji Chaoqun ay unang dumating sa Chicago taong 2013 para mag-aral ng electrical engineering sa Illinois.

Kalaunan, siya ay sumali sa US army reserves.

Ayon sa FBI, palihim na tinatarget ni Ji ang teknolohiya ng Amerika mula sa mga Defence contractors.

Inakusahan ng Trump Administration ang China ng pagnanakaw ng mga Defence secrets ng Amerika sa pamamagitan ng espionage o cyber spying.

Hinihinalang ilang grupo ng mga Chinese student ang umano’y galamay ng Chinese Ministry of State.

Kung saan layunin ng naturang grupo na tiktikan ang political o military secrets ng Amerika.

Dahil dito, nasampahan ng kasong paglabag sa Foreign Agents Registration Act si Ji.

Maaaring makulong si Ji ng hanggang sampung tao kapag napatunayan.

Samantala, bago kay Ji ay naaresto din ang dating CIA officer na si Jerry Chun Shing Lee ngayong taon.

Dahil sa umano’y sa pakikipagsabwatan sa mga Chinese spies.

Ito ay dahil sa ilang highly classified information na ibinibigay umano ni Lee sa mga espiya sa mga pasikretong operasyon ng CIA sa China.

 

Ulat ni: Trish Molina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *